Misting SOURCE: Mga larawan mula sa FB/Manila PIO

MISTING OPERATION SA TONDO ISINAGAWA HABANG TUMITINDI ANG INIT

26 Views

Misting1

Misting2
SOURCE: Mga larawan mula sa FB/Manila PIO

NAGLUNSAD ng misting operation ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue at Dagupan Street sa Tondo nitong Miyerkules, Mayo 6, bilang hakbang para maibsan ang matinding init na nararanasan sa lungsod.

Pinangunahan ng Department of Engineering and Public Works ng Manila LGU ang operasyon kasabay ng patuloy na mataas na temperatura sa Metro Manila.

Samantala, posibleng pumalo sa 41°C ang heat index ayon sa PAGASA sa monitoring station nito sa NAIA-Pasay City ngayong araw, na pasok sa kategoryang “extreme caution.” Inaasahang pinakamataas ang heat index sa Tacloban City, Leyte na maaaring umabot sa 45°C, na nasa “danger level.”