Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
News

17-anyos na rape suspek sinilbihan ng warrant of arrest

Edd Reyes May 8, 2026
31 Views

RapeSINILBIHAN ng warrant of arrest ng pulisya ang 17-anyoa na binatilyong akusado sa panghahalay matapos mapatunayan ng hukuman na may kakayahan na siyang umunawa sa mali at tama nang isagawa ang panggagahasa.sa Taguig City.

Pasado alas-4:00 ng Huwebes ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang warrant of arrest na inilabas ni Taguig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 para sa dalawang bilang na kasong rape sa kanilang bahay sa Barangay West Rembo.

Ayon kay District Special Operations Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr. na nanguna sa operasyon, kasama nila ang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang “sagipin” ang binatilyo na sinaksihan pa ng kanyang lolo upang matiyak na mapo-protektahan ang kanyang karapatan sa ilalim ng batas.

Bagama’t walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado, sa Bahay Pag-asa Center sa Brgy. Wawa, Taguig, pa rin siya dinala ng pulisya dahil sa ilalim ng umiiral na batas, hindi ikinukulong ang mga menor-de-edad sa regular na bilangguan kundi sa pasilidad para sa mga bata.