Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek

Ex-parak, 4 pa tiklo sa bulilyasong holdap

Edd Reyes May 8, 2026
37 Views

SuspekTIMBOG ang limang miyembro ng robbery-holdup gang, kabilang ang nasibak na pulis, ng magtangkang mangholdap sa condominium unit noong Biyernes sa Caloocan City.

Manghoholdap sana ang mga suspek sa Habito Residence sa A. Mabini St. Maypajo alas-12:20 ng tanghali pero natiklo ng mga pulis.

Natunton kaagad ng mga awtoridad ang itim na Toyota Innova na gamit ng mga suspek na sina alyas John Rey, dating pulis; Jhon Paul, Romie, Aldrin at Jenny.

Ayon sa ulat, tinangka pang bumunot ng baril ng dating pulis na dahilan para siya paputukan ng isa sa operating team sa kanang binti. Isinugod sa ospital ang suspek na nananatili pang ino-obserbahan ang kalagayan.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang baril at dalawang cellular phone habang ini-impound din ang kanilang sasakyan.