Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Landfill

Sunog sa Navotas sanitary landfill malapit na mapatay

Edd Reyes May 8, 2026
25 Views

KAUNTI na lang ang usok at apoy sa halos isang buwan nang nasusunog na Navotas sanitary landfill bunga ng pagsisikap ng mga ahensya ng pamahalaan na maapula ang apoy.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na nasa hilaga at silangang bahagi na ang apoy sa Obando, Bulacan ang pinagtutuunang apulahin para matambakan na ng lupa ang landfill.

Tuloy pa rin ang soil covering at compaction sa natitirang mainit na bahagi ng landfill para maiwasan ang muling pagliyab.

Isinama uli ni Mayor Tiangco si Obando Mayor Leonardo Valeda sa sanitary landfill upang makita ang lawak ng lugar na naapula na ang sunog.

Kumpiyansa ang mga opisyal ng mga ahensya na nakatutok sa pag-apula ng apoy na hindi na aabutin ng dalawang linggo ang pag-apula sa sunog dahil tuloy-tuloy na ang dating ng mga lupa at putik na panambak sa umuusok pang bahagi ng landfill.

Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa paghahain ng kaukulang kaso at pagbabayad ng danyos ng Philippine Ecology Systems Corp (PhilEco) na dating operator ng landfill dahil sa paglabag sa Environmental Compliance Certificate (ECC) matapos mabigong ipatupad ang wastong pagsasara nito.