Wanted

Homicide suspek nasakote

22 Views

PoliceHIMAS-rehas na ngayon ang lalaki na suspek sa kasong pagpatay na nadakip sa Brgy. Cuta, Batangas City noong Huwebes. Ayon sa Batangas City police, naaresto si alyas Alex sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong homicide na pirmado ni Presiding Judge Joanna Arellano ng Regional Trial Court Branch 8 ng Batangas City.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Sinabi ni Batangas police director P/Col. Meliton Salvadora Jr. na sa tulong ng publiko, mas maraming biktima ang mabibigyan ng hustisya at ang mga nagtago sa batas mahuhuli upang mapanagot sa nagawang krimen.