Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Yorme

P5K puhunan ibinigay sa 1,020 negosyante sa Manila

Edd Reyes May 9, 2026
21 Views

YormeTUMANGGAP ng P5,000 puhunan ang mahigit 1,000 maliit na negosyo noong Sabado sa Maynila.

Sinaksihan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza ang pamamahagi ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ng dagdag na puhunan sa 1,020 negosyante sa San Andres Sports Complex.

Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng cookery, skin care, nail care, unisex hair cutting, hair dressing at massage upang mas mapaunlad pa nila ang kanilang kakayahan para makahanap ng disenteng pagkakakitaan o mas mapalago ang sarili nilang mga negosyo.

“Patuloy po ang inyong pamahalaang lungsod sa pag-agapay sa mga Manileñong nagsisikap makaahon sa buhay. Naniniwala tayo na sa bawat kabuhayang napapalakas, mas maraming pamilyang nabibigyan ng pag-asa, dignidad, at pagkakataong magkaroon ng mas maayos na bukas,” sabi ni Mayor Isko.

Naisakatuparan ang pamamahagi ng puhunan sa ilalim ng Kaagapay sa Kabuhayan Program na inisyatibo ng Maynila.