Batangas

2 tulak laglag sa P350K na shabu

25 Views

Batangas1

BATANGAS City–Dalawang pinaghihinalaang tulak ang naaresto na may dalang mahigit P350,000 na halaga ng shabu ng City Drug Enforcement Team ng Batangas City police sa Brgy. Cuta ng syudad na ito noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Gener, 30; at Arian, 32, ayon sa ulat ng pulisya.

Nasamsam sa dalawa ang 52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P353,600, buy-bust money at mga boodle money.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa sa dalawa, ang paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).