Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
Huwarang empleyado iniwan sa lost & found napulot na laptop
Jun I Legaspi
May 11, 2026
133
Views
ITI-NURN over ng empleyado ng Office for Transportation Security (OTS) ang naiwang laptop sa lost & found section ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Huwebes, Mayo 7.
Napansin ng Security Screening Officer (SSO) na si John Clemen Aralar ang isang laptop bag na naiwan sa airport service tray kaya ipinaalam niya sa checkpoint supervisor na nakatalaga.
Hinanap ang may-ari sa pamamagitan ng airport paging system.
Matapos ang ilang oras na walang nag-claim, nai-turn over ni SSO Aralar ang laptop sa lost & found section para sa pag-iingat.
Ang huwarang gawain ni SSO Aralar ay sumasalamin sa pangako ng OTS na panatilihin ang pagkakaisa, kasanayan, integridad at serbisyo sa pamahalaan.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

