Parak sa PRO 4B nakarekover ng P20.5M cocaine, shabu

Alfred Dalizon May 11, 2026
23 Views

MAHIGIT P20.5 million na halaga ng shabu na nakatago sa tennis balls at floating cocaine ang nakuha ng mga pulis ng Police Regional Office 4B sa Occidental Mindoro at Palawan, ayon kay PRO 4B director Brigadier General Christopher C. dela Cruz.

Mga pulis Sablayan, Occidental Mindoro ang naka-recover sa mga shabu, ayon sa report.

Unang nakuha ang tennis ball na may lamang mahigit 142 grams ng shabu na may value na P568,640.

Ayon sa Mimaropa police director, susi ang community vigilance at mabilis na tugon ng mga otoridad sa pagkakadiskubre sa P20 million na halaga ng droga na lumulutang sa dagat ng Rizal, Palawan noong Linggo.

Ayon kay Brig. Gen. dela Cruz, nakuha ng mangingisda ang mga kahon na nakabalot sa black plastic packaging na lumulutang sa Brgy. Taburi.

Sinabi ng mga otoridad na may bigat na 2 kilo ang cocaine na nagkakahalaga ng P20,000.

“Illegal drugs threaten not only peace and order, but also the safety of our families and children. This incident highlights the importance of vigilance and immediate reporting to prevent dangerous substances from endangering our communities.

We encourage the public to remain alert and immediately coordinate with authorities regarding suspicious activities or objects in their communities. Public cooperation remains vital in our continuing campaign against illegal drugs,” sabi ng heneral.