Wanted

Nanghalay tiklo sa MinOc

24 Views

Wanted

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Lagpak sa selda ang wanted sa kasong panghahalay sa Occidental Mindoro noong May 11.

Kinilala ng Padre Garcia police Station ang suspek na si alyas Bon, 29.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 2 ng Lipa City para sa tatlong bilang ng kasong qualified rape.

Tagumpay ang operasyon laban sa suspek sa pakikipagtulungan ng ibang police units.

Nasa kustodiya ng Padre Garcia police ang suspek.