Calendar
PCol. Ebora porma na naupo bilang bagong OIC ng Batangas PPO

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Pormal nang naupo bilang bagong Officer-in-Charge ng Batangas Police Provincial Office (PPO) si PCOL Oliver B. Ebora sa ginanap na Turnover of Office Ceremony noong Martes, May 12, 2026.
Pinangunahan ni PBGen. Hansel M. Marantan, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang seremonya kung saan opisyal na pumalit si COL Ebora kay PCOL Meliton A. Salvadora Jr.
Bilang simbolo ng paglilipat ng responsibilidad, iginawad kay Ebora ang Command Symbol at ang Property and Equipment Inventory Book.
Nagsilbing panauhing pandangal si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, na kinatawan ni Ret. PBGen. Arcadio L. Ronquillo Jr., Head of the Provincial Public Order and Safety Department.
Sa mensahe ng gobernadora, binigyang-diin nito ang kanyang buong suporta sa bagong pamunuan at nagpaabot ng pasasalamat kay PCol. Salvadora para sa dedikadong serbisyo nito sa pagpapanatili ng kaayusan sa lalawigan.
Ipinangako ni Col. Ebora ang pagpapatupad ng kanyang mga pangunahing prayoridad sa pamamahala na nakahanay sa mandato ng PNP.
Kabilang dito ang Community First Policy, strict adherence to Integrity and Ethics, Courage balanced with Compassion, pursuit of Professional Excellence, strengthened Teamwork, and accountable Leadership.
“Ang mga prinsipyong ito ang magiging gabay natin sa pagpapatuloy ng kapayapaan at seguridad sa buong Batangas,” sabi ng bagong OIC.
Ang pagtitipon ay dinaluhan din ng mga opisyal mula sa PRO4A, mga tauhan ng Batangas PPO, at pamilya ng mga opisyal, na nagmarka ng bagong kabanata sa serbisyo-publiko ng kapulisan sa probinsya.

