Patay Ang labi ng nasawi. Source: Deputy Mayor Rolando Amurao

Misis ng ex-alkalde patay, 5 sugatan sa aksidente sa Palawan

Zaida Delos Reyes May 14, 2026
56 Views

PATAY ang maybahay ng dating alkalde ng Rizal, Palawan habang lima pa ang nasugatan matapos na bumangga at mahulog sa bangin ang sinasakyang pick-up nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City.

Ang nasawing biktima ay misis ni dating Mayor Nic Montaño .

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan sa aksidente.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Zigzag 1 Bgy. Luzviminda Puerto Princesa City .

Galing ang sasakyan sa bayan ng Rizal at patungo sa siyudad nang biglang pumutok ang gulong nito kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Unang bumangga ang sasakyan sa isang mini-bus at sumalpok sa dalawang puno bago inararo ang isang tindahan ng prutas at nahulog sa bangin.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente nasawi ang maybahay ng dating alkalde habang nasugatan din ang tatlong bantay ng tindahan.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.