Fire6

Lalaki, 15, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay

56 Views

FireFire1Fire2Fire3Fire4Fire5NASAWI ang isang 15-anyos na lalaki matapos ma-trap sa nagliliyab na bahay sa East Riverside, Brgy. Paltok, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga saksi, ligtas na sanang nakalabas ang biktima ngunit bigla pa umanong bumalik sa loob ng mga nasusunog na bahay.

Sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na nakalabas nang buhay ang menor de edad.

Bandang alas-9:34 ng umaga nang itaas sa ikaapat na alarma ang sunog na tumama sa residential area.

Dakong alas-11:00 naman nang tuluyang maapula ang apoy.

Sa isinagawang clearing at mopping operations, doon nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng menor de edad sa loob ng natupok na bahay.

Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), hinihinalang nagmula ang apoy sa ground floor ng bahay ng biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang natupok.