Calendar
Mid-year bonus matatanggap na ng mahigit gov’t kawani ng Maynila
TATANGGAPIN na ng mahigit 8,000 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kanilang mid-year bonus simula Lunes ng tanghali.
Inihayag ito ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa regular na pagpupugay sa watawat ng Pilipinas Lunes ng umaga matapos niyang lagdaan noong Huwebes ang paglalabas ng P350 milyong pondo para rito.
“Mamayang alas-dose nang tanghali, pwede niyo na tirahin. I-check niyo na. Sa inyo na ‘yan, ingatan niyo ‘yan,” paalala niya sa mga kawani.
Una ng pinaalalahanan ng alkalde ang mga kawani na manatili lamang nakatutok sa kanilang trabaho lalu na sa pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan at huwag ituon ang sarili sa nagaganap na hindi pagkakaunawaan at bangayan ng mga pambansang lider. “Eyes on the ball, doon lang tayo,” sabi pa ng alkalde.
Ipinaliwanag din niya na noon pa sanang nakaraang linggo tinanggap ng mga kawani ang kanilang mid-year bonus bagama’t napigilan aniya ito ng nakasaad sa civil service na nagbabawal ng pagbibigay ng bayad bago ang ika-15 ng buwan.

