Flat

Motorista na-flatan; PRO 4A chief tumulong

38 Views

Flat1BUKOD sa pagiging opisyal ng pulis, mistulang walking vulcanizer si Police Regional Office 4A director P/BGen. Hansel Marantan ng tulungan ang na-flatan na motorista sa Skyway malapit sa Nagtahan Exit.

Pumutok ang gulong ng motorista pero sa halip na lagpasan, huminto ang heneral upang tulungang palitan ang gulong ng sasakyan.

Ang simpleng aksyon sumasalamin sa mas malalim na gampanin ng kapulisa—ang magsilbi ng tapat sa labas ng kanilang mga opisina at regular na tungkulin.

“Ang simpleng ngunit makabuluhang gawaing ito ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pulisya: ang maglingkod anumang oras, saanman, at sa anumang pagkakataon,” sabi ng PNP.

Ipinakita ng insidenteng ito na sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng batas, nananatiling pangunahing prayoridad ng kapulisan ang kaligtasan, kapakanan at pag-alalay sa mga mamamayan sa oras ng kagipitan.