DOH Source: DOH

Tulfo pinaiimbestigahan sa Senado expired na gamot ng DOH

26 Views

NAGHAIN si Senador Raffy Tulfo ng resolusyon para imbestigahan ng Senado ang findings ng Commission on Audit na milyon hanggang bilyong pisong halaga ng mga gamot, bakuna at medical supplies na binili ng Department of Health ang expired na, malapit nang mag-expire o hindi nagamit sa kabila ng mga reklamo tungkol sa kakulangan ng gamot sa mga pampublikong health facility.

Inihain ni Tulfo ang Senate Resolution No. 403 upang matukoy ang pananagutan sa tinukoy niyang paulit-ulit na kakulangan sa procurement, inventory at distribution systems ng DOH.

“Kinakailangang makasuhan, masibak sa tungkulin at maparusahan ng pagkakakulong ang sinumang personalidad, maging sa DOH o ibang sangay ng gobyerno o pribado na kasabwat sa pagkasayang ng mga gamot sa mga bodega ng ahensya,” sinabi ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na muli niyang itinaas ang isyu matapos makatanggap ng mga reklamo sa kanyang programa mula sa mga pasyenteng nagsasabing kulang ang suplay ng gamot sa mga pampublikong ospital at barangay health centers.

Batay sa COA findings, sinabi ni Tulfo na ang nasayang na mga gamot, bakuna at medical supplies na binili ng DOH ay umabot sa P18.5 billion mula 2015 hanggang 2018, P2.2 billion noong 2019, P95 million noong 2020, P85 million noong 2021, P7.4 billion noong 2022, P11.18 billion noong 2023 at P134 million noong 2024.

Ayon kay Tulfo, nakita sa 2024 audit report ng COA na nasa P34.8 million na halaga ng drugs, medicines at iba pang medical inventories ang expired na, habang may karagdagang P99.5 million na halaga ang malapit nang mag-expire dahil sa kakulangan sa inventory management na nakaapekto sa procurement planning, distribution at monitoring.

Sinabi niya na dapat suriin ang audit findings kasabay ng paghihirap ng mahihirap na pasyente na makakuha ng libreng vitamin supplements at maintenance medicines para sa mga sakit gaya ng diabetes at hypertension mula sa barangay health centers at pampublikong ospital.

“While millions of marginalized Filipinos continue to face difficulties in accessing free vitamin supplements and maintenance medicines for conditions such as diabetes and hypertension in barangay health centers and public hospitals, medicines and medical supplies procured using public funds are reportedly being left to expire in DOH warehouses and health facilities rather than reaching their intended beneficiaries,” sinabi ni Tulfo.

Ayon kay Tulfo, nananatiling isa sa pinakamalaking out-of-pocket healthcare costs ng mga pamilyang Pilipino ang gamot kaya kailangang matukoy ang mga opisyal na may pananagutan at maitama ang mga sistemang nagbigay-daan sa paulit-ulit na pagkasayang ng mga medical supply na binili gamit ang pondo ng bayan.

“Medicines continue to be among the largest out-of-pocket healthcare costs of Filipino families; thus, it is necessary to conduct an inquiry in order to determine accountability, identify the responsible officials, and address systemic weaknesses within the DOH that have allowed the continued wastage, overstocking and non-utilization of publicly funded medicines and medical supplies,” sinabi niya.