Mabini

Foot patrol isinagawa sa Anilao port

27 Views

Mabini1

MABINI, Batangas–Nagsagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company (BPMFC) sa Anilao Port sa Brgy. Anilao Proper noong Sabado.

Sa pamumuno ni PMSg Maynard Magundayao, umikot ang mga awtoridad bandang alas-8:20 ng umaga upang mag-inspeksyon sa daungan at bisitahin ang mga kalapit na establisimyento at negosyo.

Namahagi ang mga pulis ng mga flyers sa mga residente at biyahero upang palakasin ang kamalayan sa kaligtasan.

Ang nasabing aktibidad ay nagtapos nang maayos at mapayapa.