Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
POA

Dagdag na 10k guro target ng DepEd

303 Views

TARGET ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng 10,000 karagdagang guro para sa pampublikong paaralan sa school year 2023-2024.

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Atty. Michael Poa nagpalabas na rin ng utos ang DepEd upang punan ang mga bakanteng posisyon sa kasalukuyan.

Nais ng DepEd na mapataas ang bilang ng mga guro sa pampublikong paaralan lalo at sa Nobyembre kung kailan itinakda ang pagbabalik ng full face-to-face classes.

Inamin ni Poa na ikinokonsidera ng DepEd ang pangangailangan na madagdagan ang mga guro at ang pondo na nakalaan para sa ahensya.