PAGASA

Bagyong Karding lumabas ng PAR

228 Views

LUMABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Karding.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo ay lumabas alas-8 ng gabi ng Lunes.

Noong Linggo ng alas-5:30 ng hapon ng mag-landfall ang bagyo sa Burdeos, Quezon.

Sumunod itong nag-landfall sa Dingalan, Aurora alas-8:20 ng gabi at binaybay ang kalupaan hanggang sa makalabas ng Philippine Sea.

Nagpatuloy sa pag-usad ang bagyo at patungo ito sa direksyon ng Vietnam.