EPD cops inaresto 8 carnap suspek

Arlene Rivera Jun 6, 2026
22 Views

WALONG pinaghihinalaang miyembro ng carnapping group ang nahuli ng mga miyembro Eastern Police District-Anti Carnapping Unit (EPD-Ancar) at Marikina police.

Dahil sa pagkakahuli sa 8, narekover ang na-carnap na sasakyan, mobile phone at mga baril, sabi ni EPD officer-in-charge P/BGen. Melencio Buslig Jr.

Naganap ang huling carnapping dakong alas-2:29 ng madaling araw noong June 5 sa harap ng burger store sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Natangay doon ng apat na suspek ang puting Honda PCX 2025 motorcycle.

Nahuli ang isa sa mga suspek sa Recomville 2, Brgy. 171, Caloocan City na sakay ng puting Hyundai Stargazer.

Nasamsam din sa suspek ang 9mm pistol at 8 bala.

Tumambad sa mga pulis ang iba pang nakaw na sasakyan na Hyundai Stargazer SUV at Toyota Vios.

Ayon sa EPD, iniimbestigahan na ang walong suspek dahil malamang na konektado pa sila sa ibang carnapping operations sa Metro Manila.