Calendar
DICT Sec, PhilSA chief bumisita sa Starlink facility

BINISITA kamakailan ng Konsulado Heneral ng Pilipinas, kasama sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda at Philippine Space Agency (PhilSA) Director General Dr. Gay Jane Perez ang pasilidad ng Starlink/SpaceX sa Bastrop, Texas para mapatibay ang kooperasyon ng bansa sa digital na imprastruktura.
Naging tulay ng mga digital infras upang mapag-ugnay ang mga komunidad na sinalanta ng mga kalamidad at makapaghatid ng maaasahang internet sa mga malalayong barangay.
Kamakailan lamang ay nagkapit-bisig ang Starlink at Globe upang maghatid ng libreng satellite-to-mobile service.
Ang hakbang na ito ay naging kapaki-pakinabang sa mahigit 700,000 subscriber na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ang pagbisita sa Texas ay nagpapatibay sa determinasyon ng Pilipinas na humanap at magpalawak ng mga estratehikong pakikipagtulungan.

