Calendar
Ang isa sa tatlong suspek na naaresto. JONJON C. REYES
Kelot nag-cara y cruz, minalas, swak sa rehas
SWAK sa selda ang isa sa tatlong lalaki na nahuling nagsusugal ng cara y cruz at may dalang baril sa kahabaan ng Narra Street, Bgy. 244, Tondo, Manila, Sabado ng hapon.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Mau, 22, binata, at naninirahan sa Interior 25, Maria Guizon Street, Barangay 152, Tondo; nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 10591); alyas Aldin, 23, vendor, naninirahan sa Purok Sampaguita, Culiat, Tandang Sora, Quezon City; nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at si alyas Angelo, 21, binata, naninirahan sa Hermosa Street, Barangay 184, Tondo; nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602.
Ayon sa report, bandang 5:25 ng hapon ng maaktuahan ng mga operatiba na nagsusugal ang mga suspek sa nasabing lugar.
Nagsasagawa ng Oplan Bulabog/Galugad ang mga operatiba na sina PSSg. Jomar R Cruz, PSSg. Ric Carlo A. Dela Cruz at PSSg .Ryan R Rueda nang mahuli nila sa aktong nagsusugal ang mga suspek.
Sa isinagawang body frisk sa mga suspek ay narekober mula sa isang suspek ang improvised firearm na kargado ng live ammunition.
Walang nakitang dokumento ang mga suspek para sa armas.
Dinala ang mga suspek sa Gat Andres Bonifacio Medical Center para sa physical examination bago itinurn over sa MPD Police Station 2 para sa kaukulang imbestigasyon.
Inihahanda ang reklamong paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) laban sa mga suspek.

