Suspek Kinilala ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrasado ang mga suspek na nagnakaw ng aircon sa restaurant sa Ermita Manila. JONJON C. REYES

2 kelot tiklo sa pagnakaw  ng aircon sa restoran

Jon-jon Reyes Jun 18, 2026
30 Views

ARESTADO ng mga miyembro ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 ang dalawang lalaki na umano’y nagnakaw ng isang aircon sa Qaysar Restaurant sa A. Mabini St., Brgy. 668, Ermita, Manila noong Miyerkules.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rodney, 43; at Giovanie, 24, ayon kay Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrasado, commander ng Ermita Police Station 5.

Bandang alas-4:30 ng hapon ng damputin ang mga suspek.

Base sa salaysay ng complainant na si alyas Kalantarahmadi, Sadegh, 37, nakita niya ang mga suspek na lumalabas mula sa shisha entrance bitbit ang isang unit ng aircon.

Hinabol niya ang mga suspek hanggang nakita niya sina Pat. Jan Mark Litao at Pat Warren Alcantara ng J. Bocobo PCP.

Rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at narekober ang Eureka 0.6HP non-inverter window type aircon na nagkakahalaga ng P8,700.