NAGA

Naga natulungan ng 4PH program

Jun I Legaspi Jun 19, 2026
25 Views

NAGA1NAGA2NAG-turnover ng mga modular units sa Naga sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa mga pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar at gilid ng mga daluyan ng tubig.

Magsisilbing daan sa pagtatayo ng Bayanihan Village ang galing sa DHSUD para sa mga pamilyang naapektuhan ng clearing operations at mga panganib dulot ng kalamidad.

Nag-groundbreak din ang Naga City Rental Housing Project sa Brgy. Lerma at lumagda ng MOU sa pagitan ng Naga at Pag-IBIG Fund at MOA sa pagitan ng LGU at Bella Vita upang magbigay ng mas maraming opsyon sa pabahay para sa mga mamamayan.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling: “Patunay po ang activity na ito sa seryoso at may malasakit na serbisyong pabahay ni Pangulong Marcos Jr. Patuloy po sa pakikipag-ugnayan ang DHSUD sa ating mga LGUs upang mas mapalawak pa ang Expanded 4PH.

Ang mga proyektong ito ay sumasalamin sa ating layunin na magbigay ng ligtas, disenteng at abot-kayang pabahay para sa mga pamilyang Pilipino.

Sa pamamagitan ng matibay na kolaborasyon ng pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor, mas marami tayong maipagkakaloob na oportunidad sa pabahay.”