Calendar
Rizal police binisita ni Gen. Banac

TAYTAY. Rizal – Binisita noong Martes ni Police Lieutenant General Bernard Banac, ang Deputy Chief of the Philippine National Police for Administration, ang Rizal Police Provincial Office sa Camp Major Gen Licerio Geronimo sa Brgy. Dolores, ng bayang ito para suriin ang kalagayan ng mga tauhan, makipag-ugnayan at dinggin ang kanilang mga operasyonal na alalahanin..
Sinalubong siya nina P/Col. Glenn Lonogan, Acting Deputy Regional Director for Administration, at P/Col. Eleazar R. Barber Jr., Provincial Director ng Rizal PPO.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa mandato ng pambansang pulisya at sa ‘Focused Agenda’ ng Hepe ng PNP na si PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na naglalayong patatagin ang ugnayan ng pamunuan at itaguyod ang moral at kapakanan ng buong kapulisan.
