Luistro

16 magkakasintahan ikinasal sa pangangasiwa ni Mayor Luistro

29 Views

Luistro1

MABINI, Batangas–Labing-anim na magkasintahan noong Huwebes ang ikinasal ng sabay-sabay na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito na pinangasiwaan ni Mayor Noel “Bitrics” Luistro ang pagpapanata ng mga mag-asawa.

Katuwang sa okasyon sina Vice Mayor Nelson Hernandez at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na nagsilbing mga saksi sa pag-iisang-dibdib ng mga residente.

Ipinaabot ng mayor ang pagbati sa mga bagong kasal. “Nawa’y mapuno ang inyong kasal ng walang katapusang kaligayahan.

Habang sinisimulan ninyo ang magandang paglalakbay na ito nang magkasama, nawa’y patuloy ninyong suportahan at pahalagahan ang isa’t isa sa bawat yugto ng buhay,” saad sa mensahe sa mga mag-asawa.

Hangad din ng pamunuan ng bayan ang magandang kalusugan, saganang biyaya at mas matibay na pagmamahalan para sa mga bagong kasal.