Calendar
Provincial
Suspek sa carnap, pagnanakaw arestado
Jojo Cesar Magsombol
Jun 19, 2026
288
Views

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Kalaboso ang suspek sa kasong carnapping at robbery sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas noong Miyerkules.
Kinilala ng Malvar police ang nadakip na suspek si alyas na Jay, 27.
Naaresto ng mga Intelligence Operatives ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 13 ng Lipa City.
Nahaharap si alyas Jay sa mga kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) at robbery.
Nagrekomenda ang korte ng piyansang P300,000 para sa carnapping at P100,000 para sa robbery.
Upang matiyak ang legalidad at transparency ng operasyon, gumamit ang mga arresting officer ng dalawang alternative recording devices.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

