Calendar
Buwanang misa layong palakasin spiritual na kalagayan ng parak Batangas

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas–Nagdaos ng misa ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) noong Miyerkules para sa pagdiriwang ng Eukaristiya.
Ang misa ay isinagawa sa BPPO chapel sa pamumuno ni P/Col. Oliver Ebora, acting provincial director.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Gerald Macalinao ang banal na pagtitipon at nagbahagi siya ng homiliya na nakasentro sa salita ng Diyos.
Binigyang-diin ng kura ang kahalagahan ng pananampalataya at taimtim na pagtatalaga ng sarili sa tapat na paglilingkod sa publiko.
Ayon sa pamunuan, regular na isinasagawa ang aktibidad na ito buwan-buwan bilang bahagi ng programa ng BPPO na pangalagaan at palakasin ang espirituwal na kalagayan ng kanilang mga tauhan.
Layunin nito na maitaguyod ang paglilingkod sa komunidad nang may mataas na integridad, malasakit, at tunay na dedikasyon.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisyal at non-commissioned officers ng Batangas PPO upang makiisa sa panalangin para sa kaligtasan ng buong lalawigan.

