Marantan

Parak sa PRO 4A nakumpiska 13 boga, nahuli 9 kriminal

37 Views

KAMPO VICENTE LIM, CALAMBA CITY – Siyam na suspek sa krimen ang naaresto ng mga awtoridad habang 13 ilegal na armas ang nakumpiska sa operasyon ng Police Regional Office (PRO) 4A noong Hunyo 26 hanggang Hunyo 27.

Sampung baril na walang kaukulang dokumento, habang tatlo pa ang boluntaryong isinuko ng mga residente bilang suporta sa kampanya ng kapulisan.

Ayon kay PRO-4A director PBGen. Hansel Marantan, ang naturang hakbang ay bahagi ng pinaigting na Focused Agenda ng Philippine National Police.

Kasalukuyan nang nakadetine ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kaukulang kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nanawagan si Marantan sa publiko na iulat ang mga indibidwal na may ilegal na armas, at hinikayat ang mga nagtataglay nito na sumuko sa mga pulis.