Laudiangco

“Register Anywhere” system ilulungsad ng Comelec

167 Views

ILULUNGSAD ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘Register Anywhere’ system na naglalayong padaliin ang pagrerehistro ng mga nais na makaboto.

Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si John Rex Laudiangco isang pilot test ang ilulungsad sa mga piling mall sa National Capital Region (NCR).

Dalawang booth umano ang ilalagay sa mga piling mall, ang isa ay para sa mga residente ng lugar kung nasaan ang mall at ang isa ay para sa mga non-resident.

Inaasahan ang muling pagbubukas ng voters registration kapag naging batas na ang panukala na ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Disyembre 2022.