CSC

Mahigit 26K pumasa sa civil service exam

214 Views

PUMASA sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ang 26,307 indibidwal na kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) noong Agosto 7.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC) ito ay 18.97 porsyento ng 138,703 examinees na kumuha ng CSE-PPT.

Sa 117,938 kumuha ng Professional Level exam, 22,241 ang pumasa at 4,066 naman sa 20,765 na kumuha ng Subprofessional Level ang pumasa.

Ang Career Service Professional Eligibility ay para sa first at second level position sa gobyerno.

Ang Career Service Subprofessional Eligibility ay para naman sa first level position.

Kasama sa first level position ang clerical, trades, crafts, at custodial services samantalang nasa second level naman ang professional, technical, scientific, at managerial position.

Nilinaw naman ng CSC na mayroong ibang requirement na kailangan ang mga ahensya ng gobyerno bukod sa pagpasa sa CSC exam.