Garafil

Atty Cheloy Garafil itinalagang OIC ng OPS

151 Views

ITINALAGA si Atty, Cheloy Garafil bilang officer-in-charge ng Office of the Press Secretary (OPS).

Kinumpirma ni Garafil ang kanyang pagbibitiw bilang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tanggapin ang kanyang bagong posisyon.

“This is a great honor and privilege and I thank the President for this opportunity to once again work with him in his administration to serve the Filipino people,” sabi ni Garafil.

Si Garafil ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang hepe ng LTFRB noong Hulyo.

Siya ang hahalili sa puwesto na iniwan ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Si Garafil ay dating mamamahayag bago naging piskal ng Department of Justice (DOJ).

Pinuri naman ni dating Pangulo at ngayon ay ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng ikalawang distrito ng Pampanga ang pagkakatalaga kay Garafil.

SI Garafil ang humawak ng media affairs ng House of Representantes nang maging Speaker si Arroyo.