MTPB

2 traffic enforcer sa Manila inireklamo ng pangongotong, suspendido

Edd Reyes Jul 2, 2026
32 Views

DALAWANG traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang sinuspinde matapos ireklamo ng pangongotong sa babaeng motorista.

Sa utos ni MTPB Director Dennis Viaje, pinigilan ng magpatuloy sa kanilang tungkulin ang dalawang traffic enforcers na sina alyas Sunny at Rene ng ireklamo ng umano’y pangongotong sa babaeng tsuper na kanilang hinuli sa hindi na binanggit sa lugar.

Sa ipinaiiral nilang “One-Strike Policy,” patuloy nilang itataguyod ang integridad, pananagutan, at propesyunalismo sa serbisyong publiko batay na rin sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso..

Binigyang diin ng MTPB Director na anumang uri ng ilegal na pangongolekta, pangongotong, at pag-abuso sa tungkulin ay hindi pjnahihintulutan ng kanilang tanggapan at sinumang mapapatunayang lalabag dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Inatasan din ang dalawang traffic enforcers na isuko ang kanilang uniporme, Ordinance Violation Receipt (OVR), Identification card, hand-held radio at body camera kung mayroon.