INC

INC rally nag-iwan ng 40 toneladang basura sa Maynila

Edd Reyes Jul 3, 2026
190 Views

INC1TINATAYANG aabot sa 40 toneladang basura ang nahakot ng Manla Department of Environmental and Public Service (DEPS) sa Liwasang Bonifacio matapos ang isinagawang rally dito ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Sa panayam ng mga miyembro ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) kay DEPS Director Kenneth Amurao, umabot sa 13 dumb trucks ng basura ang naiwan ng mga nag-rally ang kanilang hinakot, Huwebes pa lang ng gabi, hanggang Biyernes ng madaling araw na karamihan ay pawang mga pinagkainan.

Hindi rin aniya maiaalis na may naiwang masangsang na amoy sa lugar sa kabila ng mga nakalagay na portalet kaya’t nagsagawa rin kaagad ng flushing dito ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)

Ayon kay Amurao, naging mabilis ang pagkolekta nila sa mga naiwang basura dahil nauna na silang nakipag-ugnayan sa organizer kung saang lugar dapat itambak ang basura upang doon na lang ma-pick up ng kanilang tauhan para maisakay sa dump truck.

Dagdag pa ng opisyal, nang ideklara ni Mayor Isko Moreno ang suspensiyon ng klase dahil sa gagawing rally ng INC, binuo na rin kaagad nila ang composite team na kinabibilangan ng DEPS, CDMMRO, at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang mapabilis ang kanilang kilos sa oras na matapos ang rally.

Ang nais aniya ng alkalde ay kaagad mapanumbalik sa kalinisan at kaayusan ang Liwasang Bonifacio sa oras na matapos ang rally na kapag nadaanan ng mga tao ay parang walang nangyari.

“Yung programang “Bilis-Kilos” ni Yorme, yun ang aming sinusundan kaya kapag nadaan kayo ngayon sa Liwasang Bonifacio, walang bakas na maiiwan o masangsang na amoy dahil talagang nilinis namin ang lugar,” sabi pa ni Amurao.