Calendar
Grade 8 nakursunadahan ng grupo ng kabataan, sinaksak, kritikal!
SUGATAN ang Grade 8 na estudyante matapos pagsasaksakin ng isa sa limang kabataang suspek sa labas ng Las Pinas National High School, Huwebes ng gabi sa Las Pinas City.
Isinugod kaagad sa Las Pinas District Hospital at kinailangang lagyan ng tubo o intubarion ang biktimang si alyas “Jemg” matapos magtamo ng mga tama ng saksak sa likod, leeg, at collarbone
Naaresto naman kaagad ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang apat sa mga suspek na sina alyas “JMCC”, 17, ALS student; “NBR”,15, out-of-school youth (OSY) ; “CJDT”, 16, ng Don Galo National High School, 16; at “RMAT”, 15, OSY., habang tinutugis pa ang umano’y nakasaksak na si alyas “JMR, 16, OSY.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima kasama ang kapatid na si alyas “JMG”, 15, mga kaibigang sina “AE”, 15, at “NCB”, 17, na pawang estudyante ng Las Pinas National High School nang magpasiyang bumili muna ng chocolate juice kung saan nadaanan nila ang mga suspek.
Nakursunadahan umanng batuhin ng hollow blocks ng grupo ng mga suspek ang biktima at nang umiwas, hinabol nila ang mga eatudyante at nang abutan ang biktima ay pinagsasaksak.
Nakauwi pa umano ng bahay ang biktima bago isinugod sa pagamutan habang naaresto naman sa follow up operation ang mga suapek na nahaharap sa reklamong, attempted murder.

