Amihan magdadala ng ulan sa Luzon
Nov 29, 2026
Calendar
Metro
Vintage bomb nakuha sa Taguig
Edd Reyes
Jul 3, 2026
452
Views
NADISKUBRE sa mababaw na hukay ang vintage bomb sa C6 Road noong Huwebes sa Taguig City.
Sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, naghuhukay ng paglalagyan ng sinunog na kahoy ang jeepney driver sa harap ng inuupahang garahe dakong alas-6:00 ng gabi nang tamaan niya ang matigas na bagay na nakabaon sa lupa.
Nang suriin ng driver ang natamaang matigas na bagay, nakita niya ang metal na bagay na hugis mortar bomb kaya’t ipinaalam niya ito sa may-ari ng inuupahan niyang garahe.
Nang mai-report sa Taguig Police Sub-Station 9 ang natuklasan, kinordon ang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao.
Dakong alas-9:00 ng gabi nang matiyak na ang kaligtasan ng paligid makaraang makuha ang mortar cartridge.
Pugante, 58, ginawang alipin sa s*x nene, huli
Nov 29, 2026
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

