Isko Iniharap kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang pangalawang suspek na nanloob sa isang bahay sa Sta. Mesa, Manila.

Nangnenok timbog sa Maynila

Jon-jon Reyes Jul 3, 2026
228 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang suspek duo sa pagnanakaw sa isang bahay sa Sta. Mesa, Manila noong Hunyo 23.

Ang suspek, si alyas Hercules, 20, iniharap sa publiko sa pamamagitan ng Facebook livestream ng programang “Talk to the People” ni Manila Mayor Francisco “Isko” Domagoso.

Sinabi ni MPD Director Police Brig. Gen. Arnold Santiago na dinakip si Delos Santos sa Pasig City noong Hulyo 2 matapos ipaalam ng isang tagapamagitan sa mga awtoridad ang intensyon ng suspek na sumuko.

Nauna nang inaresto ng mga awtoridad ang tiyuhin ng suspek na si Alvin Ebuenga noong Hunyo 26 kaugnay ng parehong kaso.

Nang tanungin sa programa, inamin ni Delos Santos ang kanyang partisipasyon sa pagnanakaw at ibinunyag na sangkot na siya sa ganitong gawain simula pa noong siya ay 15-anyos.

“Huwag ninyo gagawin sa Maynila. Hangga’t nandidito kami, pipilitin naming mapagtagumpayan na magkaroon ng kapanatagan ng pamumuhay sa lungsod,” sabi ni Domagoso.