Sara2

OVP nakapamigay ng 3,220 “PagbaBAGo” kits sa mga estudyante

133 Views

SA kanyang unang 100 araw sa puwesto, nakapagbigay si Vice President Sara Duterte ng “PagbaBAGo” Kits sa 3,220 estudyante.

Bukod sa school supplies, ang mga “PagbaBAGo” kits ay may lamang hygiene kits.

Ang mga ito ay dinala ni Duterte sa Limasawa Island sa Southern Leyte; Jordan sa Guimaras; Caramoan sa Camarines Sur, Kidapawan City sa North Cotabato; Siguijor; Dasmariñas, Cavite; at Bangued sa Abra.

Layunin ng ‘PagbaBAGo’ campaign na maibahagi sa mga estudyante ang kahalagahan ng edukasyon na magdadala sa kanila sa tagumpay ng buhay.

Noong siya pa ang alkalde ng Davao City, sinimulan ni Duterte ang kaparehong programa.