BPB

Ex-rebel sa Aurora sumuko

Steve A. Gosuico Jul 4, 2026
141 Views

CASIGURAN, AURORA–Sumuko ang isang dating rebelde sa mga awtoridad sa lalawigan ito noong Biyernes, ayon sa Police Regional Office 3.

Sinabi ni PRO 3 chief Brig.Gen. Jess B. Mendez na humantong sa boluntaryong pagsuko ng nasabing rebelde pati ng kanyang cal .38 na baril sa mga awtoridad dito dahil sa intel-driven operation.

Itinatampok ng tagumpay na ito ang epektibong pakikipagtulungan sa loob ng Joint Regional Task Force 3 (JRTF3) at ang matibay na pangako ng PRO3 na hikayatin ang mga rebelde na bumalik sa batas.

“Nanatili kaming nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng aming mga komunidad sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad at gamit ang estratehikong inisyatibo sa kapayapaan,” sabi ni Mendez.