Suspek

Mga kriminal tiklo sa Caloocan, Malabon

Edd Reyes Jul 4, 2026
89 Views

UMABOT sa 18 kriminal na may mabibigat na kaso ang nadakip ng pulisya sa hilagang Metro Manila

Kabilang sa mga nadakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang limang kabataang lalaki na may nakabimbing warrant of arrest sa Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 180 para sa kasong murder

Natunton ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng SPD ang mga pusakal, apat sa kanila ay residente ng Brgy. San Agustin at isa ang taga-Brgy. Ibaba, Malabon City sa kanilang hideout sa Brgy. Kaunlaran, Caloocan City.

Tatlo pang akusado sa kasong Murder, isa rito ang 23-anyos na barbero, isang SK Kagawad, at 24-anyos na tambay, na pawang may warrant of arrest sa magkahiwalay na korte sa Malabon City ang natimbog ng pulisya.

Nadakip naman ng Malabon police Sub-Station 6 ang 43-anyos na pugante na may kasong paglabag sa ilegal na droga.

Apat pang mga wanted na indibiduwal na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng sexual assault at acts of lasciviousness ang naaresto rin sa magkakahiwalay na lugar.