Calendar
Larawan: Wimbledon/IG
Maria Sharapova kay Alex Eala: ‘A star!’
BUMUHOS ang pagbati para kay Filipina tennis sensation Alex Eala matapos ang kanyang makasaysayang pagpasok sa Round of 16 ng 2026 Wimbledon Championships, kabilang na ang isa sa kanyang mga idolo na si tennis legend Maria Sharapova.
Sa Instagram post ng Wimbledon na may caption na, “Alex Eala is the moment,” nag-iwan ng maikling ngunit makahulugang komento si Sharapova: “A star!!” kalakip ang emoji na tila humahanga sa ipinakitang performance ng 20-anyos na Pinay.
Matatandaang ilang beses nang ibinahagi ni Eala ang kanyang paghanga kay Sharapova, kaya lalong naging espesyal para sa Filipino tennis star ang pagkilala mula sa dating world No. 1 at limang beses na Grand Slam champion.
Hindi lamang si Sharapova ang nagpahayag ng suporta. Nakisaya rin sa tagumpay ni Eala ang boxing icon na si Manny Pacquiao, gayundin sina Dimples Romana, Janine Gutierrez, Jhong Hilario, Jake Galvez, Emma Breschi, Eva Le Queen, Dra. Vicki Belo, Mommy Maricel Laxa-Pangilinan, at iba pang celebrities at personalidad na nagpaabot ng pagbati sa social media.
Ang pagkapanalo ni Eala laban sa defending champion na si Iga Swiatek sa ikatlong round ay naghatid sa kanya sa kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinong umabot sa fourth round ng Wimbledon. Kasabay nito, umakyat siya sa career-high No. 28 sa WTA live rankings at may pagkakataon pang makapasok sa Top 25 kung magtatagumpay siya laban sa Italyanong si Jasmine Paolini sa susunod na laban.
