qcpd

Driver sugatan sa bumulusok na SUV

63 Views

SUGATAN ang senior citizen matapos mahulog ang minamanehong Toyota Fortuner sa creek sa G. Araneta Avenue, Brgy. Manresa, Quezon City noong Sabado

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente bandang alas-7:00 ng gabi habang binabagtas ni alyas Alberto ang kalye.

Pagsapit sa lugar ng insidente, biglang lumihis pakanan ang SUV bago bumulusok sa katabing creek at bahagyang lumubog.

Nailigtas ang driver sa tulong ng mga residente at mga rumespondeng pulis bago isinugod sa Chinese General Hospital kung saan siya kasalukuyang inoobserbahan at ginagamot.

Iniimbestigahan ng QCPD ang sanhi ng insidente.