Rider Ang nasawing biktima. Kuha ni JONJON C. REYES

Call center agent dedo matapos mahulog sa tulay ang motorsiklo

Jon-jon Reyes Jul 6, 2026
51 Views

Rider1HINDI na umabot ng buhay sa Sta Ana Hospital ang isang call center agent matapos mahulog sa tulay ang minamaneho nitong motorsiklo Linggo na umaga sa kahabaan ng Zamora Link Bridge, Pandacan, Maynila na sakop ng PS-10.

Nakilala ang biktima na si alyas James, nasa hustong gulang, at residente ng 25 G. Araneta Avenue, Quezon City. Ang kanyang motorsiklo na Honda Click/189-XYI ay nasa kustodiya na ng MPD Traffic Enforcer Unit

Batay sa paunang imbestigasyon na isinagawa ng Investigator-on-Case na si PCpl Rustom Arcyll De Guzman, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Zamora Link Bridge sa Pandacan ng nawalan ito ng kontrol sa kanyang motorsiklo pagdating sa pinakamataas na bahagi ng tulay.

Bumangga ang motorsiklo sa konkretong harang at tumalsik ang biktima Dahil sa lakas ng impact, tumalsik ang biktimang rider na nagresulta sa malubhang pinsala sa kanyang katawan.

Agad rumesponde ang medical team mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod ang sugatang rider sa Sta. Ana Hospital para sa agarang medikal na atensyon.

Pagdating sa ospital, agad nagsagawa si Dr. John S. Pega ng mga medikal na pamamaraan. Sa kabila ng mga pagsisikap na iligtas ang kanyang buhay, opisyal na idineklara ang rider na patay na Dead on Arrival o DOA ganap na 8:02 ng umaga.

Noong Abril, isang rider din ang nahulog mula sa tulay at bumagsak sa pagawaan ng alak.

Nagpalala naman ang ilang mga barangay opisyal sa mga motorista lugar na doblehin ang pag-iingat sa pagmamaneho at huwag bumiyahe ng nakainom ng alak.

Ang mga labi ng rider ay nasa pansamantalang pangangalaga ng morgue ng ospital para sa medico-legal examination.