Calendar
Super typhoon Inday pinaghandaan ng mga opisyal ng Bgy. 735 sa Maynila






PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng Barangay 735 sa Zone 80 sa District 5 sa Malate, Manila ang paglilinis,pagwawalis at flushing sa mga kalye bilang paghahanda sa super typhoon Bavi na tatawaging Inday.
Ang cleanup drive ay pinangunahan ni Punong Barangay Alfredo ‘Baby” Tan kasama ang kanyang mga kagawad at tanod. Ito ay bilang pagtalima sa inilabas na Executive Order No. 3 ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nag-aatas sa lahat ng barangay sa lungsod ng Maynila na gawing regular ang malawakang paglilinis sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Kasama ni Pung Barangay Tan sina Kagawad Jon-Jon Reyes, Alfredo Tan Jr.Joemar Sualog, Ryan Lugos Jomarie Vicente, Melchor Nava ,at Rijed Buenazedacruz sa pagliliniss ng mga estero, drainage at mga kanal na dinadaluyan ng mga tubig baha patungo sa Ilog na nasasakupan ng Brgy 735.
Layunin ng mga opisyal ng Barangay 735 na mapanatiling malini, maayos, maaliwas at tahimik ang kanilang lugar at masiguro ang kalusugan ng mga residente lalo na ng kabataan at senior citizens.
Nagpasalamat ang mga residente sa mga opisyal ng Bgy. 735 sa ginawang paghahanda sa bagyo at sa malasakit.

