Gensan SOURCE: Larawan mula sa FB/PNP

HALOS P3.2M KONTRABANDONG CIGARETTE FILTER RODS, NABUKING SA OPERASYON SA GENSAN

49 Views

Aabot sa P3.17 milyong halaga ng hinihinalang ipinuslit na cigarette filter rods ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Barangay Apopong, General Santos City noong Hulyo 3.

Nagsasagawa sana ng pagpapatupad ng dalawang search warrant kaugnay ng kasong illegal firearms ang mga operatiba nang matuklasan sa loob ng isang bahay ang 373 kahon at isang pakete ng kontrabando. Wala sa lugar ang respondent at wala ring nakuhang baril o bala, ngunit inaresto ang live-in partner nito matapos marekober ang mga ipinagbabawal na kargamento.

Kinumpirma ng Bureau of Customs na smuggled ang mga nasabat na cigarette filter rods. Dahil dito, sinampahan ng mga reklamong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at National Internal Revenue Code ang mga sangkot.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ipinakita ng operasyon na maaari ring mabunyag ang iba pang paglabag sa batas habang nagpapatupad ng mga lehitimong police operation.