Calendar
Provincial
Pouch na may lamang P36K naisoli sa may-ari sa Davao Airport
Jun I Legaspi
Jul 8, 2026
294
Views
NAISAULI sa tunay na may-ari ang pouch na may lamang P36,925 na naiwan sa security screening checkpoint ng Davao International Airport noong Hulyo 7.
Mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS) ang nagsoli ng pouch, ayon sa report.
Sa routine screening, napansin ni SSO Robert Jake Lastica ang pouch na naiwan sa service tray ng paliparan kaya iniulat kay Sheila Barrios para sa wastong dokumentasyon.
Makalipas ang ilang minuto, isang pasahero ang lumapit sa OTS upang iulat ang kanyang nawawalang gamit. Matapos ang masusing beripikasyon ng pagmamay-ari at nilalaman, matagumpay na naibalik ang pouch sa pasahero nang buo.
Nagpasalamat ang pasahero sa pagkakasauli ng kanyang pouch.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

