CIDG

Pekeng empleyado ng Pag-IBIG tiklo sa parak

Alfred Dalizon Jul 11, 2026
39 Views

NAARESTO ng mga pulis ang babaeng nagpapanggap na representative Pag-IBIG Fund at sangkot umano sa multimillion-peso housing scheme, ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr.

Nahuli ang babae sa Bajada area, Davao City noong Martes, ayon sa report.

Tiniklo si alyas Lyza habang nagpa-process ng mga documents ng Pag-IBIG Fund housing kahit na walang authority, license o official affiliation sa agency, ayon kay PNP-CIDG director, Major Gen. Robert Alexander A. Morico II.

Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa RA 9485 (Anti-Red Tape Act of 2007), Usurpation of Authority at estafa.

Nadiskubre ang kalokohan ng babae noong July 3 ng bumisita sa Pag-IBIG Fund Davao Branch para i-verify ang status ng mga transactions na isinumite niya.

Doon nabuking na spurious ang mga dokumento at nalaman na hindi siya empleyado ng Pag-IBIG.

Nalamam din na naniningil ang babae ng P120,000 sa ilang kliyente.

“Criminals who falsely claim authority from government agencies to deceive the public will be investigated thoroughly and prosecuted to the fullest extent of the law.

The PNP will not allow fraudsters to undermine the trust that citizens place in public institutions,” sabi ng PNP chief.

“Hindi natin hahayaang gamitin ang pangalan ng mga ahensya ng pamahalaan para makapanloko ng mamamayan. Papanagutin natin ang sinumang magsasamantala sa tiwala ng publiko.

Ugaliing beripikahin ang pagkakakilanlan ng kausap at ang mga dokumentong ipinapakita bago magbigay ng pera.

Kapag may pagdududa, agad na lumapit sa pulisya o sa kinauukulang ahensya,” dagdag niya.