Martin2

Nazal Jr. miyembro ng Kongreso

Mar Rodriguez Oct 12, 2022
289 Views
Martin3
Oath Taking and courtesy call to House Speaker Martin Romualdez

NAKAPASOK na ngayon bilang bagong miyembro ng Kamara de Representantes ang isang Partylist congressman bilang kinatawan ng Magsasaka sa Sakahan, Kaunlaran (MAGSASAKA) kasunod nito ang ginawa niyang “courtesy call” at pagbibigay galang kay House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez.

Nanumpa bilang bagong kasapi ng Mababang Kapulungan si MAGSASAKA Partylist Cong. Robert Gerard Nazal, Jr. kay Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 220 Judge Jose G. Pineda para sa kaniyang “oath of office” noong Oktubre 10, 2022.

Sinabi ni Nazal na inilabas din ng Commission on Elections (COMELEC) ang kaniyang “Certificate of Proclamation” bilang nanalong nominee ng MAGSASAKA Partylist sa Kongreso.

Nabatid pa sa kongresista na matapos ang kaniyang “oath taking” ay nakipagkita naman siya kina Speaker Romualdez sa pamamagitan ng isang “courtesy call” at kay House Majority Leader at Zamboanga Lone Dist. Cong. Manuel Jose “Mannix” Dalipe.

Noong nakaraang Mayo 26, iprinoklama ng COMELEC ang MAGSASAKA bilang isa sa 55 na nanalong Partylist Group na lumahok sa nakalipas na 2022 National at Local elections. Kung saan, nakakuha ito ng 272,737 votes kung kaya’t nakakuha ang nasabing grupo ng isang puwesto o upuan sa Kamara sa ilalim ng 19th Congress.