Mga alegasyon pinatitibay na ng mga ebidensiya

Mar Rodriguez Jul 12, 2026
32 Views

PINAGTITIBAY ng mga ebidensiya ang mga alegasyon ni Vice President Sara Z. Duterte na nakapaloob sa Articles of Impeachment na may kinalaman sa pagbabanta nito laban kina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ito ang ipinahayag ng isa sa mga miyembro ng House prosecution panel na si Mamamayang Liberal (ML) Party List Rep. Leila de Lima na nasa yugto na ang prosekusyon ng pagpapalit ng mga alegasyon tungo sa aktuwal na ebidensiya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang diin ni De Lima na hindi na lamang mga paratang ang laman ng Articles of Impeachment. Bagkos, sinimulan na narin ng prosekusyon ang paghaharap ng mga dokumento, video at mga testigo upang patunayan ang mga ito sa harap ng Senate impeachment court.

Ipinaliwanag din ni De Lima na sa isang paglilitis hindi sapat ang alegasyon lamang kailanga aniya iyong suportahan ito ng mga testigo, mga dokumento, mga video at iba pang ebidensiya na tatanggapin ng korte.

“Every prosecution starts with allegations and must end with proof,” sabi ni De Lima.

Ayon sa Party List Lady solon, nagsisimula ang kaso sa mga akusasyon, ngunit dapat itong magtapos sa sapat na ebidensiyang magpapatunay kung totoo ang mga ito.

Sinabi pa ng kongresista na mahalaga ang naging papel ni NBI Special Agent John Mark Calilung dahil siya ang nagpatunay (authenticate) na tunay at hindi binago ang video ng livestream ni VP Sara noong Nobyembre 2024 at naglatag ng pundasyon para magamit ang video bilang ebidensiya sa impeachment trial dahil kung hindi mapapatunayang authentic ang video, maaaring hindi ito tanggapin bilang ebidensiya.

To God be the Glory