Calendar
Source: Civil Defense BAR
Lolo, 70, nalunod, 19 pa nasawi sa bagyong Inday, habagat
UMAKYAT na sa 20 indibidwal ang naiulat na patay dahil sa pananalasa ng bagyong Inday at Habagat sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC , isa sa mga nasawi ay ang 70-anyos na lalaki na nalunod sa Barangay Kipaypayon, Quezon, Bukidnon.
Sampu sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, anim sa Lanao del Sur , dalawa sa Bukidnon at tig-isa mula sa Iloilo at Davao Occidental.
Nakapagtala din ang ahensya ng siyam na sugatan at 16 na nawawala.
Sa ngayon, umabot na sa 146,000 pamilya o 654,000 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Inday at Habagat mula sa 683 barangay sa bansa.
Sa nasabing bilang, mahigit sa 5,100 pamilya o 20,100 indibidwal ang nasa 162 evacuation centers habang nasa 635 pamilya naman o 2,453 indibidwal ang nasa labas ng evacuation centers.
Umakyat na rin sa P3.18 bilyon halaga ng pinsala sa imprastraktura at P50,000 naman sa iba pang assets.
Sa tala ng NDRRMC, 67 kalsada, 13 tulay ang naapektuhan habang nasa 46 seaports ang nanatiling no-operational.
Umabot din sa 437pasahero at 231 rolling cargoes at isang vessel ang na-stranded.
Sa ngayon, nanatiling suspendido ang klase sa 413 siyudad at munisipalidad habang suspendido rin ang trabahoi sa 48 local government units dahil parin sa epekto ng bagyo at habagat.
Tuloy-tuloy din ang ginagawang pagtulong ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya kung saan sa pinakahuling ulat, umabot na sa P43.38 milyon ang naipamahagi ng gobyerno.

